Another way to Get more PROSPECT. Remember the story of Moses? Do you even know Moses? I-Google mo na lang. Alam naman natin ang pagiging employee ay parang rat race lang, paulit ulit, survival income, sakto sakto and I am 100% sure na may depekto lang ang taong nag-eenjoy sa sermon ng boss at mga utos. Napansin ko na karamihan sa mga kumikita ng malalaki sa mga na-attenan ko ng iba't ibang B.O.M. ay mga DATING EMPLEYADO. Bakit? kasi sawang sawa na sila sa paulit ulit at nakakapagod nilang buhay, may DESIRE sila sa loob ng puso nila na gusto na nilang umasenso at makawala sa pagiging empleyado. My wife, siguro hindi lang 20x niyang nabanggit na AYAW na NIYANG MAGTRABAHO, it hurts na nakikita ko siyang pagod lagi that's why ginagawa ko ang Networking dahil ito lang ang option ko na mabigay ang gusto niyang buhay at mabigyan ng magandang buhay ang mga anak ko. But I can't say na magresign na siya dahil to be honest kailangan naming magtrabahong pareho habang winowork out ang Networking. But as of now, wala akong trabaho at ang ginagawa ko lang sa ngayon is Networking, but I'm planning to find a temporary Job, TEMPORARY lang. May dalawang dahilan, una para may panggalaw at panggastos daily, ikalawa to observe and give opportunity sa mga taong sawang sawa na sa paulit ulit nilang buhay. Ano ang pakiramdam mo bilang isang Networker kung ang mga taong nasa paligid mo ay sawang sawa na sa maliit na kita pero ang effort ay todo todo, anong pakiramdam kung napapaligiran ka ng maraming tao na naghahanap ng ibang option para kumita ng malaking halaga? Ano ang mararamdaman nila kapag nagkaresulta ka sa Networking at pinakita mo sa kanila ang checke mo? You don't even have to recruit them kung makikita nila na may resulta ka especially if they know you and trust you. Napakahalaga na ang mga pinapakitahan mo ng checke ay kilala ka. Kahit ako naman noong una, pinakitahan ako ng checke sa pinaka una kong company ang unang reaction ko ay FAKE lang iyon or edited, dahil stranger ang nagpakita. Iba ang impact kung tiwala ka sa taong nagpapakita ng resulta sayo. Imagine lahat ng kasama mo sa pagiging empleyado ay sawang sawa na sa pagiging empleyado and they don't see hope and option maliban sa pag-aabroad, tapos ikaw kahit pare pareho lang kayo ng ginagawa napapansin nila na may pag-asa ka at okay okay ka lang. Pero, wag namang agad agad ishare mo ang negosyo mo, sila mismo ang lalapit sayo pag may resulta ka kahit magkano lang sa una, make them feel na hindi mo sila nirerecruit. Share the idea but don't invite them yet, kung kokontra sila at sasabihing SCAM yan or PYRAMIDING dapat alam mo ang isasagot mo without arguing with them. Later on, kapag may isang tao na nagdecide na sumama sayo sa office niyo after work at ipakita mo sa kanya ang negosyo at sumali, turuan mo rin siya kung paano mo ginagawa ang negosyo, wag muna siyang magrecruit hanggat hindi mo natetrain ng maayos. Use your breaktime para i-train mo siya, kapag namaster na niya ang mga style and strategies mo, may isang Aaron ka na. Ang maganda sa Aaron mo, you can make Him Moses too. Habang dumadami kayo, lalong lumalaki ang chance na maka-attract kayo ng mga kasamahan sa pagtatrabaho. Baka sabihin ng iba, kawawa naman ang BOSS at nagHIRE sa inyo kung lahat kayo magnenetwork na lang, he can always find someone to replace you and your buddies, mas kawawa ang mga Empleyado if they stay employee forever. Remember, YOU'RE SAVING THEM, not USING THEM. Well, this is just an option kung gusto mong magtrabaho muna while doing network marketing.
Watch Dexter(TV Series) Observe kung paano niya kunin ang mga target niya. Mapapansin na kapag ginusto ni DEXTER gawin ang isang bagay, he will do everything to GET IT.
No comments:
Post a Comment