Dati na akong nagfulltime sa isang Network Marketing and until now masasabi ko pa rin na full time ako sa bago kong network. Alam mo ba na kahit may trabaho ka at may ibang ginagawa pwede mong ifulltime ang network mo? Kahit pa ang labas mo ay saktong closing time ng Service Center ng Network mo, maari pa ring maconsider na pinufulltime mo ang Network mo. I believe magmula ng maglabasan ang mga Social Media ay maari ng ifulltime ang mga MLM natin without leaving home, in fact may MLM nga ngayon na purely pang online lamang. Dati kasi ang definition ng full time sa Networking ay ang maghapong pagtatambay sa mga fast-foods o kaya naman sa Center. Ngayon iba na, kahit nasa trabaho ka pa maari ng gawin ang networking. For me, I consider na ang pag-iisip mo ng mga strategies, techniques, plans, goals at lahat ng mga related sa network mo ay part ng oras mo sa pagnenetwork. Kahit nasa jeep ka pa basta ang iniisip mo at mga pinaplano ay para sa Network mo, may ginagawa ka at may progress. Ang iba kasi akala nila full time na sila sa network nila porke wala silang trabaho at networking lamang ang ginagawa, hindi porke networking lang ang ginagawa mo ngayon ay fulltime ka na dito. Tanungin mo ang sarili mo bago mo sabihin na full time ka sa network marketing. Maari mong itanong ang mga ito para malaman mo kung full time ka talaga sa pagnenetwork.
1. Anong ka gumigising? Maaga ba o halos tanghali na?
2. Kung maaga, bakit maaga? dahil ba ang mga plano mo araw araw ay para sa ika-uunlad ng network mo o dahil lang sa maaga ka talagang gumigising?
3. Mula 7AM to 12PM ilang beses mo inisip o inaksiyonan ang Network mo?
4. 1PM to midnight anu ano ang mga nagawa mo para sa network mo?
5. Ilang beses at ilang oras mo tinatrabaho ang network mo?
6. Madalas mo bang maisip ang network mo o kung ano mang bagay ang related dito?
7. May specific goal ka ba para sa network mo? How about plans? May pansariling quota?
8. Nasisilip mo pa ba lagi ang genealogy mo?
Ako kasi ganito ako magnetwork, although busy man ako sa ngayon, nagnenetwork pa rin ako sa isipan ko at siyempre kailangan aksiyonan mo rin matapos mong maisip kung ano man ang naisip mo para sa network mo, dahil kung hindi, wala ring kwenta, always bring pen and a piece of paper para kung may maisip ka man, isulat mo para di mo makalimutan, you can also use your phone.
Mapasakay man ako ng jeep nag-iisip para sa team, maglakad man sa maraming tao, networking pa rin ang iniisip. Kung saan man ako mapunta, iniisip ko kung paano ko maaattract ang mga tao sa paligid ko para sila ang lumapit at magtanong tungkol sa negosyong ginagawa ko.
Kapag nag-login ka sa facebook at nakakapaglaro at inuuna mo pa ang mga browser games like tetris, hidden chronicles, empire & allies etc. aba'y tanungin mo ang sarili mo, "Gaano ako kaseryoso sa Networking?". Makikita mo naman talaga ang tunay na seryoso sa Networking sa facebook pa lang eh, walang tigil sa paghataw, ako nga naglalogin na lang sa facebook para magnetwork. Kailangan rin pati ang attitude mo sa network marketing ay maging full time hindi fooling time.
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDelete