Tuesday, June 5, 2012

How to use other MLM Company to motivate yourself

English ang title, tagalog ang post. Ano nga bang bago?


Anyway, Danger zone muna tayo. What if, may nagtext sayo na interested sa negosyo mo at nakikipagmeet? then kapag na meet mo isasama ka nila sa office/center nila para ipakita ang negosyo niya bago mo mapakita ang negosyo mo? Ready ka ba? Hindi ka ba matatangay? Nangyari pa lang sa akin ito, actually twice na, same reaction lang ako at same feelings. IF newbie ako at ganito na ang pag-iisip ko pagdating sa opportunity, masasabi kong matatangay talaga ako. Today, (June 06, 2012) Nag-attend ako sa isang Business Presentation ng isang Local Company na ngayon daw ay international na dahil may branch ng tatlo sa ibang bansa. Pinanood ang Video and sinubukan ko talagang i-transform ang sarili ko bilang isang taong wala pang experience sa ganitong klase ng negosyo, sa video pa lang, tangay na ako. Ikaw ba namang makakita ng video na ang mga sumasali ay puro enjoyment ang ginagawa, travel dito, travel doon tapos ang gaganda ng mga sasakyan nila, makyu-curious ka siyempre kung ano man ang negosyong ginagawa nila, sa sub-conscious mo, mareregister na gusto mong sumali at subukan ang ginagawa nila. Now, pagkatapos ng video, nagsalita na ang speaker na dating nurse tapos ngayon kumikita na ng around 10,000 - 40,000 a week. Ang galing din niyang magpresent at nakakatawa ang mga patawa niya. Pinakita ang mga Product at mga benefits at mga testimonials, talaga mapapa-WOW ka kung newbie ka. Then the Marketing Plan, this time, mabubuo na ang loob mo para sumali. Entry, nakakaturn-off sa laki pero mabubura iyon ng mga pumasok na sa sub-conscious mo na "YAYAMAN ka DITO!". After the presentation, kinausap ako ng upline ng nag-invite sa akin, and I acted as newbie talaga, di muna nagsasalita and umaagree lang ako to help Her show the other guests na maganda talaga ang Network Marketing. Pagkatapos niyang magsalita at i openmind kami ulit, sinabi ko na ang mga ibang network na pinanggalingan ko at sinabi ko na rin kung bakit ako nasa office nila, "Gusto kasing makita ni Kuya CENSORED (Itago na muna natin) ang Network ko ngayon, pero siyempre dahil nasa office niyo ako RESPETO na lang sa office niyo, I will not present my business here" Pero sa labas namin pinag-usapan. Dahil rin sa narinig niya na madami akong company na napuntahan at pinanggalingan na, She mentioned the word JUNKIE and FOCUS, Ang ibang mga networkers, tingin nila sa taong nanggaling sa ibang mga Network ay JUNKIE. But I think na hindi porke galing siya ng ibang Company ay JUNKIE na siya, marahil ay nakita niya lang sa bago niyang Company ang advantage nito sa pinaggalingan niya, and Besides, I'm not sure but I think si Mark Dapiton, Joseph Lim, Chris Cheng at ang ibang mga kumita at may pangalan na sa mundo ng Network Marketing, bago sila naging Top Earner o kumita man lang ng malaki may dinaanan muna sila na ibang Company, but we never call them JUNKIE, pwede namang sabihin na kaya hindi sila Junkie yung Company na iniwan nila ay nagsara kaya napilitan silang lumipat, but I know someone na nag-eexist pa ang mga network nila pero lumilipat ng Company at I don't look at them as Junkie, karapatan nila iyon, karapatan nilang humanap ng ibang Network na sa palagay nila ay mas matatrabaho nila ng maayos base sa kanilang paniniwala at determinasyon. Although hindi diretso ang patama niya na Junkie daw ako, alam ko na gusto niya ay sumali ako at iyon na ang ifocus ko. She mentioned the word PROFESSIONALISM and nabanggit rin niya na "Kanina nga nag P.R. kami" which means Pusakal Recruiting daw. Well, if that's how they do their business and if that's what they call PROFESSIONALISM, wala akong magagawa. Pero respeto pa rin, hindi ako nakipagdebate sa kaniya at hindi ako nakipag- "Our Company is Better than Yours" "Our Product is a lot better than yours!".

I can always go back and transform myself as a Networker, After presentation, iyon ang ginawa ko, otherwise, member na nila ako at nabenta ko na lahat ng mga gamit sa bahay namin para lang makapagmember ako. But since Super Saiyan 4 na ulit ako, I was inspired by the Video, sa ganda ng Office, sa Galing ng Speaker, sa todo todong tiwala nila sa product nila, sa tour ng mga top earners nila, sa mga kotseng pinapakita nila, sa dating waiter na naging milyonaryo, sa dating tindera na naging milyonarya, sa mga teamwork nila, sa center mismo nila. Pero ang pagka-inspired ko, naka-attached ang Current Company ko, ang sabi ko, Kung ang mga tao dito ay pinagmamalaki ang mga uplines nila na nagkakotse, sa Company ko, kami ng team ko ang magkakakotse at kami ang ipagmamalaki ng iba, sa Company ko, hindi ibang team ang magtatayo ng center(although ok lang naman), Kami ng team ko ang magpapatayo ng Center, Sa Company ko, hindi kami ang manonood ng video ng mga top earners na nagtatravel, kami ang mga top earners na panonoorin ng iba, Sa Team namin magmumula ang mga malulupit na speaker at kami mismong mga uplines ang magiging malupit na speakers, Sa Company ko, kami ng team ko ang mga unang magdadrive na mga mamahaling sasakyan, kami ang nasa video, bilang ganti, susundin ko ang payo ng aking mga magulang, teka! Akala ko panatang makabayan! Tuloy -->. Sa madaling salita, NAGAWA NILA IYON SA COMPANY NILA, MAS MAGAGAWA NAMIN IYON SA COMPANY NAMIN. Ang mga taong resulta muna ang hinahanap, mapapasali talaga, pero iba ako, gusto ko AKO ANG UNANG MAGLALABAS NG RESULTANG MAGPAPATUNAY NA HINDI KAILANGAN ANG ABROAD PARA YUMAMAN, AKO MISMO ANG RESULTA. Ayaw ko na hanggang tagapakinig na lang ako ng testimonies, gusto ko ako ang nagtetestify at ang mga kasunod kong magtetestify ay mga kateam ko rin.

Warning:
This is also dangerous kung di ganoon katindi ang tiwala mo sa Company mo at hindi ganoon katatag ang pundasyon mo. Make sure na alam mo rin ang mga pinagmamalaki ng Company mo laban sa ibang Company at gawin mong basehan iyon kapag malapit kanang matangay. 

No comments:

Post a Comment