Friday, June 1, 2012

Huwag mag-network na walang pera

Kailan lang nag-usap usap kami ng ilan sa mga Team Mates ko. Galing kami sa isang Local Company at ang mga leaders ko na ito ay sobrang tapat at tiwala sa akin na kahit hindi ko pa nalalatag ang Marketing Plan ng isang Company na nilipatan namin ay sumali na agad sila. Since most of us ay di pa ganoon ka batikan sa Networking, we consider ourselves na mga NEW BLOOD pa rin. Sa local company na ito kami natrain ng husto at lagi rin kaming nag-aattend ng B.O.M.'s. May tinatawag na MINDSETTING o ioopen mind mo ang mga guest tungkol sa katotohanan na paikot ikot lang sila sa buhay nila bilang empleyado. Kung hindi mo pa nararanasan ang maging empleyado at guest ka, tiyak na mamamindset ka na hindi ka dapat maging empleyado. May calculations pa nga na ipapamukha sa guest na mas mayaman pa si INDAY kay EMPLOYEE, and going to abroad is not a good option also, at ito pa ang malupit, pati traditional business ay damay, kasi risky, overhead, competition etc. So, talagang mamamindset ka na ang tanging option mo ay Networking. Nabasa ko sa libro ni Napoleon Hill na kapag pala palagi mong naririnig ang isang bagay, pumapasok ito sa Sub-Conscious mo at mula sa sub-conscious lumabas ang mga aksiyon mo at resulta. Sa kakatambay namin sa center at naririnig ang B.O.M. natutunan na namin ito at nagsimula ng maging ganoon ang mindset namin, and actually naging isa rin ako sa mga speakers at naging tagapagturo ng ganitong kaisipan. Wala namang masama doon, lalo na kung may PANGGALAW KA. Lumalabas kasi na kapag na mindset ka sa tinatawag na REALITY CHECK na totoong reality naman talaga, you will start to hate employment, you start to look at employees bilang mga kawawang tao na nakakulong sa puder ng BOSS nila habang ang boss nila lamang ang yumayaman. Networkers, 'wag kayong magagalit sa akin BUT this is very dangerous lalo na sa mga NEW BLOOD na tinatawag natin, na experience ko na ilan sa mga downlines ko na NEWBLOOD ay ayaw ng magtrabaho kahit ang Company na pinanggalingan namin ay hindi marelease release ang kanilang payout. Uulitin ko, walang masama kung may panggalaw ka, pero kung wala, pati upline mo mapeperwisyo sa kakabigay ng pamasahe sayo at kakalibre sayo ng kakainin mo.  Napansin ng Grupo ang pagkakamindset namin ay madikit masyado, pare pareho kaming nagfulltime kahit walang panggalaw. Ngayong lumabo na ang local company na ito, pare pareho kaming nagkaroon ng KRISIS pati nga mga speakers and trainers ay nahirapan at naubusan na ng panggalaw nila. We are wrong na nagfulltime kami na wala namang ibang source of income habang di pa kumikita sa current network at that time and I wrote this post to WARN ang mga nagbabalak magnetwork na, WAG KAYONG MAGNENETWORK na walang wala kayong ibang pinagkukunan ng pera. You still need to work while you're waiting for your upline to become rich este habang unti-unti mong pinapalago ang Network mo. Work part time and do networking or work full time and do networking, kung pang-umaga ka, mga networking companies naman ay hanggang gabi. Kung ayaw mo namang magtrabaho ang daming online na pwedeng makapandagdag sa panggalaw mo, or kung magpufulltime ka, mag-direct selling ka ng product niyo kapag wala ka ng panggalaw. Isa pa, nakakadiscourage at nakakaDOWN ang laging walang pera kapag nagnenetwork ka, kung ano ano ang naiisip mo, "Siguro hindi talaga para sa akin ang networking!" o kaya naman ay mapapansin mo na sa first week mo ay wala kang kita, first week ng kakilala mong empleyado may kita siya, 2nd week mo konti lang ang kita, tapos ang kakilala mong empleyado ay may bago ng cellphone, third week mo ay medyo malaki laki na ang kita mo, pero talo pa rin sa kita ng empleyado. Although sa huli matatalo talaga ang kita ng isang empleyado(kung tatagal ka), Pero, make sure lang na dapat talaga mahaba ang pisi mo, karamihan ay nagiging in-active dahil nga ang iba gusto nila resulta agad. Hindi ka mananalo sa giyera kung ang mahal mong baril ay walang bala, manalo ka man ay napakaliit ng chance mo, mas malaki pa ang chance na maka-imbento ang 7 years old ng isang hologram na cellphone kaysa sa manalo ka sa giyera ng walang bala ang baril. If you are really planning na i-work out mo ang Network WHATEVER IT TAKES at sure na sure ka sa GOAL mo, DO IT! Ang dami kong mga downlines na sumali sa local company na ito and later on dahil wala silang paggalaw di na nagpakita. I maybe wrong but I wrote this based on our experienced. Sa bagong Company namin, they teach you how to have a plan b and you should make more money now, kahit nasaan ka pa, employment o self-employed. Extra income which later on magiging extra ordinary income. Meron naman for sure na mga Networkers na kahit walang wala sila they can still succeed, if you can do what they can, go ahead, DO IT! Take note din, na ang iba kaya nakakayanan nilang ifull time is talagang kumikita na sila sa network nila or may nakatago silang panggalaw. And this post is for newbies. Make sure may panggalaw ka, may pang-maintain ka, hindi ka magugutom, hindi ka maglalakad dahil walang pamasahe, baka makita ka ng prospect mo at sabihin pa niya, "kung ganyan ang magiging buhay ko bilang networker, magtitinda na lang ako ng sigarilyo sa kalye."

Abangan... Bakit maganda ang magnetwork na empleyado ka. How to become Moses in Network Marketing

No comments:

Post a Comment