Monday, May 10, 2010

Ano to?

Isang Pilipino 'yan na nakapulot o nakakita ng translator sa internet kung paano isasalin ang salitang gusto niyang isalin.O kaya naman ay bigla siyang natutong magtype ng koreano. Alam niyang wala o konti lamang ang nakaka-intindi ng kanyang tinype. Ano ang ibig sabihin nito? ano ang gusto niyang iparating sa kapwa niya Pilipino?

Mga posibilidad na gusto niyang iparating:

1. Isa akong matalinong tao, dahil kaya kong magtype ng salita ng mga koreano.
2. Mas magaling ako sa iyo, hindi mo ito maintindihan.
3. Magaling na ako! Magaling na magaling! Palakpakan niyo ako.
4. Hoy! Mga friends tignan niyo oh! korean ang tinype ko oh! Astig ako!

Sa madaling salita, NAGPAPASIKAT siya, NAGPAPAPANSIN siya at NAGKUKUNWARING koreano!

No comments:

Post a Comment