Monday, May 10, 2010
PCOS Machine
Pagkatapos magpila ng ilang minuto para maverify at makakuha ng stub, pumila ako ulit para makapagboto na. Pagkatapos kong makapagboto, ipapasok na sana namin ang mga balota, ngunit nagkaroon ng isang problema ang PCOS Machine dahil ang tagal ng pagvavalidate. Hindi mapigilan nung teacher kaya pinatay niya ito at kinalikot, naging back to zero lahat ang total vote na dapat ay 417. Lalong gumrabe ang problema ng makina pagkatapos itong kalikutin ng malikot ng teacher, naging "Application Terminated Unexpectedly". Tinawagan ang technician upang ipaayos sana ang makina. Dahil sa hindi alam ng technician ang gagawin, kinailangan pa niyang tumawag ng tumawag sa kanyang supervisor para magpaturo kung ano ang gagawin, siguro nagsawa rin ang supervisor sa mga hindi niya nasasagot na tawag kaya sinabi ng technician na "Unattended na siya", baka busy rin sa pagmemeryenda. Ang daming natapos na botante na naghihintay na maayos ang makina. Habang tumatagal lalong sumisikip sa silid namin at lalong dumarami ang mga natatapos bumoto, halos tapos na lahat at ang makina na lang ang hinihintay. Tinawagan ng technician ang kaibigan na technician din para magpaturo kung ano ang gagawin at matagumpay naman nilang nagawa ang makina. Ganoon pala iyon, inalis nila yung memory card na tinatawag nilang BACK UP, na mas bagay yata na tawaging F$&k up. Idinikit nung teacher yung dala niyang parang susi at itinype ang serial code na nasa papel sa makina. Matagumpay ang halos isang oras na paghihintay na maayos ang makina. Ngayon ko rin nalaman na madadaya pala sa pagpipila ang mga kapatid nating Aeta, ang mga taong nauuna sa akin na halos familiar ang mga mukha bago masira ang makina, ngayon ay puro mga Aeta na. Dinaya nila ako sa pila at ayaw ko namang makipag-argue dahil napakarami nila, ginaya ko na lang ang ginawa nila sa akin, kaya nakapang-over take din ako sa kanila.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment