Thursday, May 20, 2010

The Social Networking Capital of the World!

Facebook, patok ngayon sa Pilipinas. Kung wala ka nito, di ka "IN", wala sa uso kumbaga. Kailan lang ito sumikat dito sa Pilipinas, habang noon pa sikat na sikat sa ibang bansa. Dati ang sikat na sikat ay ang FRIENDSTER na 'di na gaanong pinapansin ng ibang lumipat ng Facebook dahil di na daw uso, Galing! Pagkatapos tinambayan ng ilang taon bigla na lang iiwan ng parang basura. 2002 nang unang ipakilala ng World Wide Web (WWW) ang Friendster at isa ito sa mga pinakaunang social networking website. Sumikat ito sa Estados Unidos, at natapos ang kasikatan noong 2004 dahil sa sangkatutak na technical problem at server delays. Pagkatapos ibinasura ng mga Amerikano ang Friendster, unti-unti namang pinupulot ng mga Pilipino ang pinagsawahang network ng mga banyagang matatangkad. Kaya naman pala nagtataka si Chris Lunt(Friendster Director of Engineering) kung bakit tumataas ang web traffic nila sa gitna ng gabi, at ang traffic na iyon ay puro galing sa Pilipinas. Ganoon katindi ang mga Pilipino, basta nauso, 'di ka mapapahiya kung ikaw ay nagbebenta ng uso. Kinikilala tayo ngayon ng buong mundo bilang "The Social Networking Capital of the World!". Kasi nga naman ang iba nagpapaka-adik sa FACEBOOK, ang usong-uso at BAGONG-BAGONG Social Network daw. Bagong-Bago? Siguro sa kanila bago, PERO 2003 pa meron ng FACEBOOK na lumilipad sa internet, hindi nga lang FACEBOOK ang pangalan kundi FACEMASH na naging THEFACEBOOK na siya namang naging FACEBOOK noong 2005, papalitan ko, MAY FACEBOOK na noon pang 2005. Kaya huwag magtanong ng "Meron kang Facebook? yung bago ngayon sa internet?". Puwede pa kung "'Yung uso ngayon!". Ang FACEBOOK ay parang pokemon sa pokemon world, Usap-usapan sa halos lahat ng lugar. "Oi! Pare! Na-ipost mo na ba yung bagong picture ng mga kamote mo sa facebook?". "Pare! Kumusta di, pa eh. Nakita ko yung mga nahuli mong pusit kanina sa profile mo, ang tataba pare. Nagcomment nga ako don eh. Nabasa mo na?" - Hindi pa naman ganyan katindi ang hatak ng Facebook pero malapit na sigurong pati mga magsasaka at mangingisda ay gagawa na ring Facebook account para mai-post ang mga ani nila. Dati kung gusto nilang i-add ka sa facebook nila ang tanong lang ay "May peysbuk ka ba?", ngayon nagiging nakakatakot na at naging parang DAPAT MERON KA na tanong, "Ano ang peysbuk mo?", hindi ba nakakatakot? Eh kung wala ka? sasabihan kang "Ay ganon!?" o "Ah ok!". O 'di ba parang sinasabi nila na DAPAT MERON KA NITO!
Lumilitaw rin ang pagiging pasikat ng iba sa Facebook. Ang paglalagay ng mga larawang nagsasalamin sa kanilang pagiging mayaman. Si Juanita ipinost ang bagong iPHONE 3G niya na may comment sa sarili ng “Just got my iPHONE 3g, kakasawa na kasi yung BlackBerry eh, para maiba naman.” At tiyak ang sunod sunod na mga comment ng mga kaibigan niya na may halong pagpapasikat rin, kagaya ng “Sis, magkano ngayon yan? I’m planning to get one kasi eh!” o “ Mas gusto ko pa rin ang BlackBerry ko.” Kailan lang ay may nagpost ng picture ng pagkain, masarap ang itsura, maganda ang design sa mga plato at may mga bulaklak sa plato na di naman makakain, para magmukhang marami nga naman. Yung inumin niya ay may nakalagay na manipis na manipis na lime sa taas, na siguradong nakakahiyang sipsipin kapag nasa mamahaling restaurant. Siguro ang inuming iyon ay nasa $3-$4 nasa 180-200 pesos, Take note: Iced Tea lang yon. Balik sa pagpapasikat, Ano nga ba ang punto ng iba kapag nagpopost ng mamahaling pagkain sa Facebook? Pagpapasikat, iyan lang ang makita kong dahilan. Ipopost mo ba kung yung tirang tinapa lang kagabi ang ulam mo kaninang umaga? At pipicturan mo ba ito? Para lang ipagmalaki na iyon ang kinain mo? Tutal ipinopost ng iba ang kinakain nilang masasarap na pagkain dapat rin nila sigurong ipost ang itsura ng pagkain na iyon kapag lalabas na ito sa kanilang pwet(Excuse the word, pero di naman bastos yan). Picturan nila habang ito ay papalabas, eeeew! Kadiri, yan sigurado ang iniisip mo. Anong nakakadiri doon? 'Di dapat mandiri sa ganoong klaseng bagay dahil merong kang ganyan sa tiyan. Dahil sa nakita ko ang pagpopost ng taong iyon ng kanyang kinain, sinabayan ko ng isang komento na may laman, “Ako kanin na malamig lang at yung tirang itlog kaninang umaga”. (Oo, tama! may facebook din ako). Pero kahit itutok ng ABS-CBN o ng GMA 7 ng sabay ang camera sa amin ng taong iyon kapag kami ay magjejebs na, tinitiyak ko sa lahat ng tao sa mundo na parehong kulay brown lang ang lalabas sa pwetan namin.

Take note*
Para ma modify ang kulay ng tae kumain ng mga sumusunod:
Avocado: Medyo green
Dinuguan: Black
Bubog at Blade: Red

No comments:

Post a Comment