Nasa taas ng TV ang mga balotang ginawa ko, naka-ipit sa librong Ang Ating Pang Araw-Araw Na Pagkain (Sana nga lang hindi iyong mga Patatas na itinapon ko ang tinutukoy)
Binuksan ang libro at kinuha ang mga balota:
Pagkatapos kong mainis sa mga katrabaho kong bumoto sa isang taong sumikat ng dahil sa MAMA at PAPA. Naisipan kong basahin ang librong umipit sa mga balota. Binuksan ang May 9, At:
Binasa ko ito ng buo, hanggang sa mabasa ko ang pinakababa, na nagsasabing:
MINSAN INILALAGAY TAYO NG DIOS SA DILIM UPANG IPAKITA NA SI JESUS ANG ILAW.
Nangyari sa akin ang kinanta ng WOLFGANG na MATA ng DIYOS
"bumigat bigla ang aking dibdib
tibok ng puso'y bumilis
ako'y hindi mapakali
ako'y naduduwal"
tibok ng puso'y bumilis
ako'y hindi mapakali
ako'y naduduwal"
"at ngayon ko nakikita
ang lahat ng kasalanan
tinaboy sa ulan
init ng kamunduhan"
ang lahat ng kasalanan
tinaboy sa ulan
init ng kamunduhan"
Hindi naman nakakaiyak ang nakasulat, hindi pang-drama, hindi ko maintindihan kung bakit lumuha ako at umiyak ng tuluyan na para bang nawalang bigla ang lahat ng mahal ko sa buhay. Ang bigat ng pakiramdam ko. Pumasok ako sa aking kwarto at nagdasal (Hindi ko alam kung bakit ko biglang ginawa) Humingi ako ng tawad kay Jesus habang umiiyak. (Hindi ko mapigilan ang iyak kahit anong gawin ko). Pagkatapos ng isang matinding dramang nagmula pa sa kalangitan ay bigla na lamang gumaan ang pakiramdam ko, at nagdesisyon na ito na talaga ang pagbabago ng aking buhay. Naalala ko pala na ang numerong 666 ay hinahabol ako, ayaw ko mang isipin pero marahil isa itong pagpapaalaala na ako ay unti-unting nagiging Halimaw. Magsusulat ako tungkol sa pakikipaghabol sa akin ng 666, kapag nagkaroon ako ng oras. Isinulat ko na ito dati sa aking hindi na ipinagpatuloy na blog na http://666log.blogspot.com/. Madami pa akong hindi isinulat sa blog na iyon, maliban sa mga numerong nakikita ko sa computer, madalas ko rin itong makita sa mga sasakyan at iba't-ibang bagay.
Magmula ngayon, magbabasa na ako ulit ng bibliya at yung iba pang mga librong dati kong nabili na may kaugnayan sa pagiging tunay na Kristiyano.
No comments:
Post a Comment