By: APO Hiking Society
Paano mo malalaman itong pag-ibig ko sa 'yo
Paano mo mararamdaman ang tibok ng puso ko
Kung lagi kang kinakabahan na ika'y masasaktan
Pangako ko, ang puso mo'y hindi pakakawalan
Paano mo maiintindihan na ako'y nananabik
O kailan ko kaya madarama ang tamis ng 'yong halik
Kung lagi mong inaatrasan ang sugod ng nagmamahal
Sana nama'y pagbigyan mo'ng hiling ng puso ko
CHORUS
Subukan mong magmahal, o giliw ko
Kakaibang ligayang matatamo
Ang magmahal ng iba'y 'di ko gagawin
'Pagkat ikaw lang tanging sasambahin
Huwag ka nang (hah) mangangamba (hah)
Pag-ibig ko'y ikaw, wala nang iba
Check out the chorus (Subukan mong magmahal, o giliw ko
Kakaibang ligayang matatamo) - Yeah this line is absolutely true.
But: (Ang magmahal ng iba'y 'di ko gagawin)
Apo is considered one of the legendary/icons artists here in the Philippines, But look at their lyrics? Tignan ng mabuti ang kanilang kanta. Maari ngang ang pag-ibig na tinutukoy niya ay para sa kanyang babae ngunit ano ba naman ito? ('Pagkat ikaw lang tanging sasambahin) Hindi ba't sinabi ng Diyos na:
"Thou shalt have no other gods before me.
Thou shalt not make unto thee any graven image, or any likeness of any thing that is in heaven above, or that is in the earth beneath, or that is in the water under the earth:
Thou shalt not bow down thyself to them, nor serve them: for I the LORD thy God am a jealous God, visiting the iniquity of the fathers upon the children unto the third and fourth generation of them that hate me;
And showing mercy unto thousands of them that love me, and keep my commandments."
Huwag kang magkakaroon ng ibang diyos maliban sa Kanya. Hindi ba at alam ng lahat na di tayo dapat sumamba sa kapwa natin tao? Maari ngang kanta lamang ito. Ngunit sinabi ng Diyos na siya ay selosong Diyos. Hindi kaya't nagagalit ang Diyos natin sa kantang ito? Nakakagawa ka ng kantang ganito pero ilan ba ang kantang nagawa mo para sa Diyos? Paano ang mga taong kumakanta ng Kantang ito? Bawat pagkanta ay isang insulto sa ating Diyos. Malinaw ang kanyang utos.
(Pag-ibig ko'y ikaw, wala nang iba) Malinaw na tapat ito sa kanyang babae ngunit hindi tapat sa kanyang Diyos.
No comments:
Post a Comment