Monday, May 31, 2010

Po at Opo

       Po at Opo, ay tanda ng pagalang sa mga nakakatanda, at iyan ay noong panahon pa mga lolo at lola natin. Unti-unti ng nawawala ang tunay na kahulugan ng Po at Opo. Kung noon gamit ito sa paggalang sa mas nakakatanda sa iyo, ngayon ginagamit na rin ito sa mas nakakabata sa iyo. Ngayong panahong ito, mas madalas na magamit ang Po at Opo bilang isang expression ng isang textmate o kachat na nagpapacute. Sa text na lang, madalas makita ang salitang “Hello Po!” kahit ang kausap ay walang kagalang galang na titulo o mas nakakabata pa sa nagtext. Dahil sa hindi mabago-bagong istilo ng pamumuhay ng mga Pilipinong kabataan, unti-unti na ring nagbabago ang spelling ng Po at Opo, Sino pa nga ba ang may sala kundi ang mga JEJEMON na iyan. Ang unang ebolusyon ng Po ay, Pow. Parang pinaliit na Power o Powder, pero ang totoong ibig sabihin ng Pow ay Prisoners of War. Ang mga magnobya at magnobyo ngayon ay nagpapapo na rin sa bawat isa. Ang po ay unti-unti ng nasasali sa mga pa-tweetums na salita. Kapag may nagtext o nagsabi sa iyo ng Eow pow! Or Eow po! Hindi paggalang iyon, pagpapacute yon, pagpapaBABY sa sarili, iyong tipong naka pang Japanese School uniform ang nagsabi sayo na may hawak na lollypop. 


No comments:

Post a Comment