Wednesday, May 12, 2010

Sakto!


Mahirap talagang pumunta ng bayan na sakto lang ang pera mo para pambili ng gatas at diaper. Kung mahulugan ka ng piso 'di ka na makakauwi, o kailangan ka munang makiusap sa driver na naririnig ng mga makakasakay mo. Iyan ang buhay ng isang mahirap na nakakapagfacebook at nakakapagblog. 










Ang daming mga bagay ang sumisigaw sa akin "Master kailan mo ba ako tutubusin?" "Bossing akala ko bang next month tutubusin mo na ako!" "Ganyan ka master, bakit hindi mo ako nirenew?", Pasensiya na kayo mga gamit, nasira ang makina natin kaya ang daming binayaran. Pero 'wag kayong mag-alala ayos na siya at konting tiis na lang makakahabol na tayo sa mga bayarin.

No comments:

Post a Comment