Tignan ng masama ang driver ng sasakyang di tumigil sa pedestrian lane Kung di mo makita ang driver, umiling ka na lang.
Kung nakasakay ka ng Jeep, isiniksik mo lang ang sarili mo sa upuan at kalahati lang ng puwet mo ang naka-upo, tigasan mo ang iyong tuhod dahil kapag liliko na ang Jeep siguradong mahuhulog ka kung malambot ang tuhod mo. Sikapin ding ayusin ang buhok kahit di ito magulo para lang ipakita sa mga kasakay mo na OK ka lang at hindi ka nahihirapan sa pagkaka-upo.
Kung wala ka ng choice kundi mandaya o mag 1-2-3 sa Jeep. Umupo sa gitna ng jeep o sa dulo ng jeep na malapit sa Driver, maging masipag sa pag-aabot ng bayad ng iba sa driver. Kung may caller/barker na naka-abang sa pinto ng jeep, maglakad ka na lang pauwi.
Kung gusto mong magpasosyal sa Jeep, pumunta sa starbucks at bumili ng kahit anong klase ng kape, huwag itong iinumin hangga't di nakakasakay sa Jeep. Kapag nakasakay na atsaka medyo pasipsip-sipsip ka ng konti. Huwag takpan ang label na starbucks para makita ng maayos ng kaharap mo.
Kontra naman sa mga taong pasosyal sa Jeep. Bumili o magpaPRINT ng T-Shirt na may nakasulat na "PA-SOSYAL ka! Feeling Mayaman nagko-Commute naman!".
No comments:
Post a Comment