Pagkagising ko kanina, 11AM na. Tumayo para gumawa ng almusal, na hindi ko naman talaga ginagawa dahil araw-araw ipinagluluto ako ng asawa ko, o kaya naman ay inuutusan na bumili ng pandesal :P.
Ngayong umaga kakaiba ang gising ko, dahil unang una wala ang asawa ko at mga anak. Ako ang magluluto para sa sarili ko. May patatas sa kusina, gagawin ko na lang chips. Sa pagbabalat pa lamang ay palpak na, tapos napuno pa ng usok ang apartment, dahil habang nakasalang ang frying pan, pumunta ako sa CR at umihi, pagkabalik ko parang nasa langit na ako dahil sa kapal ng usok. Inilagay ang mga reject reject na pagkakagili na patatas sa fying pan. At ito ang result ng pagiging pansamantalang kusinero ko:
Iyan ang tunay na pagkain ng mga tunay na mandirigma. Isang pagkain ng mga warriors. Isang pagkain ng taong wala ng ibang makain.
Buti na lang hindi ako mandirigma at buti na lang may itlog pa sa tray.
At ito ang target na shape ng ipipirito kong itlog:
Isang perpektong shape na parang nagsasabi na "Halika at kainin mo ako!"
Dahil sa ang itlog na ang pangalawang pinakamadaling iluto sa balat ng lupa (una ang mainit na tubig), naging matagumpay naman ang paglikha ko ng katakam-takam na shape ng piniritong itlog:
Alin ba ang mas karapat-dapat na kainin sa dalawa? A or B?
Saan pa nga ba mapupunta ang masarap na patatas kundi sa:
No comments:
Post a Comment