Friday, May 28, 2010

God can bless me anywhere


          Noon pa man ay ayaw ko na sa abroad, ayaw kong mag-abroad for the sake of money or mataas na sahod.  Hindi mabibili ng pera ang kasiyahang nadarama ko tuwing nakikita ko ang aking mga anak, asawa, ama, ina, kapatid at mga kamag-anak.  Madalang na madalang lang ang taong aabot ng 100 taon sa mundo, at maaring ako ay tumagal lamang ng 60-80 taon, bawat araw, oras, minuto at segundo ay mahalaga.  Marami ng offer sa akin sa abroad, malaking sahod at magandang trabaho. Hindi ako pumapayag dahil sa prinsipyo kong “Masyadong maiksi ang buhay para ibuhos ko ang panahon ko sa ibang bansa at mawalay sa pamilya para lang kumita ng malaking pera”.  Gusto kong masubaybayan ang paglaki ng mga anak ko na nasa piling nila, at kung iisipin kong kapag nag-abroad ako, aasenso ako at magkakaroon ng masayang buhay, parang inalis ko na rin ang tiwala ko sa Diyos. Naniniwala ako na ang pagpapala ng Diyos ay wala sa ibang bansa, wala sa trabaho at wala sa dami ng kinikita. Basta magtiwala lang sa Diyos at kaya ka niyang ibigay ang pagpapala kahit nasaan ka pa. Walang kapantay na halaga ang nadarama namin sa tuwing kami ay magkakasama. Hinding hindi ko ipagpapalit ang tatlong taon na malalaki ang sahod sa tatlong taon kong kapiling ang aking aking pamilya. Hangga’t naniniwala kami na ang Diyos ang aming magiging provider, mananatili kaming magkakasama at matagumpay. Hindi natin alam kung kailan mawawala ang buhay ng bawat isa sa atin, kaya dapat nating sulitin ang maiksing buhay na ito, sulitin kasama ang pamilya at lahat ng mahal sa buhay.  

           Kung mawawala na sa iyo ngayon ang anak mo at ang asawa at may isang bilyong piso ka at sinabi ng Diyos na kailangan mong magbayad ng 1,000,000 kada araw para mabuhay at makasama mo ang anak mo at asawa, handa mo bang ubusin ang isang bilyon mo para lang makasama sila sa loob ng dalawang taon at pitong buwan?  Hindi ako naniniwala na walang asenso sa Pilipinas, dahil marami na akong nakitang naghirap na umasenso dahil sa sipag at tiyaga. At hindi naman tayo naririto para pagyamanin ang katawang lupa natin, narito tayo para pagyamanin ang Espiritu natin sa pamamagitan ng salita at gawang pangmaka-Diyos at naayon sa banal na Bibliya. Mabuhay kasama ng pamilya bilang isang pamilyang Kristiyano. Sambahin si Kristo na sama-sama. Sama-samang pakiramdaman ang presensiya ng Banal na Espiritu Santo.
Meron akong isang kaibigan na nasa ibang bansa na lubhang nalulungkot at hinahanap ang presensiya ng kanyang pamilya, at eto ang sabi niya:

Ang sabi niya ay:
Hindi naman sa sinisira ko ang loob mo, pero ang makukuha mong pera ay hindi mababayaran ng lungkot at iyong araw na hindi mo nakikita ang pamilya mo..ako nga wala pang anak parang di ko na makakayanan eh..


Oo pre... pero papasyal ako siguro doon... una sa Malaysia tapos maglaland travel papuntang Singapore...ayaw ko ang abroad..medyo masakit



Tama yan pare... ako para sa experience lang talaga ang habol ko... Mas masarap pa ang buhay ko riyan(Pilipinas) kumpara dito... iyon nga lang mabibili mo ang gusto mong bilhin ng mabilis... basta hindi masaya ang nakaabroad pare yan lang ang masasabi ko.



No comments:

Post a Comment