Friday, May 21, 2010

Buena Mano (Good Hand) - Panigo (Kapampangan)

"Kuya sige na kunin mo na, buena mano lang! bigay ko ng lang ng trenta sa iyo"

Marami sa mga Pilipino ang naniniwala sa Buena Mano. Magaan na unang benta o mabigat/masamang benta. Sinasabi nila na kapag ang isang mamimili ay magaan ang buena mano marami raw na bibiling paninda sayo. Ngunit totoo nga ba ang paniniwala tungkol sa buena mano? totoo bang may mga tao na malalakas ang hatak kapag sila ang nag-buena mano? totoo nga rin ba na may mabigat din ang hatak? Kung totoo man ito, ibig sabihin isa itong kapangyarihan. Napaka impossible ng paniniwalang ito, dahil ang paniniwalang ito ay may kaugnayan sa tinatawag na FREE WILL. Halimbawa si Juan ay magaan ang Buena mano niya. Ibig bang sabihin darami na ang benta sa tindahan na binilhan niya? Ibig sabihin lahat ng bumili sa tindahang iyon ay dahil lang kay Juan? Ibig ring sabihin na si Juan ay may kapangyarihang ma-iba ang kapalaran ng ibang tao, parang si Maria ay dapat bibili sa ibang tindahan pero dahil si Juan ay bumili sa unang tindahan at magaan ang kanyang buena mano mag-iiba ang desisyon ni Maria at bibili na lang siya sa unang tindahan na binilhan ni Juan. Gayon din kung baligtad ang kapangyarihan mo sa Buena mano. Kung mabigat ang kapangyarihan mo, makokontrol mo rin ang ibang mamimili sapagkat di sila bibili sa tindahan na binilhan mo, para ring nag-iwan ka ng isang sumpa sa tindahang iyo. Ngayon dapat pa bang maniwala sa malaking kalokohang ito? Isang paniniwalang di man lang sinasaliksik ng karamihan sa mga Pilipino. Ano ang basehan ko sa paniniwalang di totoo ang BUENA MANO power? Noong bata pa ako at nagtitinda ng pandesal naniniwala rin ako sa magandang buena mano. Marami ang naniniwala na ang nanay ko ay maganda ang buena mano niya, magaan daw, kaya ang daming mga tindera ang gumigising sa kanya ng maaga para lang magbenta ng kanilang mga produkto. Isa ako sa mga naniniwala na ang nanay ko ay pinagpala sa kapangyarihang iyon. Malakas ang benta ko ng pandesal sa ilang araw. Minsan mahina. Tuwing humihina ang benta ko iniisip kong baka hindi maganda ang mood ni nanay kaya mahina ngayon. Kung iisiping mabuti hindi totoo na ang nanay ko ay magaan ang kanyang buena mano. At di totoo ang paniniwala sa Buena Mano.

No comments:

Post a Comment