Alam mo ba kung anong klaseng bagay ka kung isa kang bagay? anong klaseng hayop kung hayop at anong klaseng prutas kung prutas ka? Malalaman mo iyon sa mga matatandang naniniwala sa "PINAGLIHI" o kaya naman ay itanong mo sa mga magulang mo. Sinasabi nila na pinaglihi ka sa isang bagay na laging pinupuna, kinalulugdan o kinaiinisan ng iyong ina noong pinagbubuntis ka pa niya. May pinaglihi sa isang klase ng prutas, ang iba naman ay sa mga hayop kaya nga may taong mukhang aso at unggoy. Siguro rin ang mga
taong malalakas ang putok ay pinaglihi sa "Bulanglang" o mas kilala bilang sinigang sa bayabas. Hindi ako naniniwala sa ganitong klaseng paniniwala. Halata naman na kapag isinilang na ang bata at nakita ang kanyang kakayahan doon nila naiisip kung anong klaseng prutas, hayop, pagkain o bagay ang isang bata, bakit hindi nila sabihin kung saan siya pinaglihi bago pa siya isilang? Ang mga buntis ngayong panahon ay iba ang
ginagawang libangan dahil na rin sa taas ng teknolohiya, kaya naman iba na dapat ang henerasyon ng mga batang pinaglihi sa kung saan saan. Siguradong darating ang araw may mga batang pinaglihi na sa iPhone, Ipod, Itouch, laptop at kung ano ano pang klaseng mga teknolohiya. Siguro ang mga taong ipaglilihi sa itouch ay madali lang matouch.
Isa pang cool sa ating mga Pilipino ay ang kapangyarihang manakit ng tao at mapawalang bisa ang pananakit na iyon sa simpleng panis na laway lang. Iyon ang usog. Isang kapangyarihan kung saan pwede mong masaktan ang isang sanggol sa pamamagitan ng pagpuna, minsan may mga matatandang nauusog rin. Para hindi mo mausog ang isang tao, kailangan mo munang sabihin ang magic word na "PWERA USOG" pagkatapos mong mapuna ang isang sanggol, kapag masyado ng huli ang magic word kailangan mong lagyan ng napakabantot mong laway ang biktima, dahil sa bantot ng laway mo tiyak na mawawala ang usog dahil mamamtay na ang bata sa bantot.
Pero hindi naman masama ang magsabi ng "PWERA USOG" para lang di ka mapagbintangan kung sakaling magsuka ng Century Tuna ang pinansin mong sanggol.
Minsan ginagawa ring parang siopao ang mga sanggol para maiwasan ang Usog na yan. Nilalagyan ng lipstick sa ulo, bilang tanda na siya ay Asado at sinulid bilang tanda na siya ay Menudo, parang siopao nga lang.
Minsan ginagawa ring parang siopao ang mga sanggol para maiwasan ang Usog na yan. Nilalagyan ng lipstick sa ulo, bilang tanda na siya ay Asado at sinulid bilang tanda na siya ay Menudo, parang siopao nga lang.
No comments:
Post a Comment