Monday, May 17, 2010

Pasalamat ka!

                Bakit ba kaya nating bumasa ng mga horoscope kahit sing-haba pa ng lyrics ng Lupang Hinirang ang nakasulat dito, kayang magbasa ng mga walang kakwenta-kwentang  chain messages, na nananakot na mamamatay ka kapag ‘di ka sumunod sa gusto ng nagpadala? Bakit ba kaya nating maglaro ng isa hanggang tatlong oras ng Farmville, Mafiawars, Pet Ville, Cafe World at kung ano-ano pang mga applications sa facebook na kung iisipin ay pang batang mga laro? Bakit ba napakadali nating ibigay ang oras natin sa mga walang kwentang bagay na nagbibigay sa atin ng panandaliang aliw?
                Facebook, isang social networking website na nilamon ang pagkasikat ng Friendster. Kitang-kita sa mga wall ng mga member dito ang ‘di mabilang na post tungkol sa mga Applications o Games na ginagamit at nilalaro nila. Minu-minuto ay uulanin ka ng mga post na nag-uupdate ng pangyayari sa kanilang virtual na bukid o kung ano pang kabirtuwalan na ginagawa nila. Kitang-kita ang pagkahumaling nila sa mga virtual na larong ito. May mga tao ring tuwang-tuwa sa isang application na kung susuriing mabuti, isa ito sa mga pinagbabawal ng Biblia, ang Horoscope, na kilala bilang Daily Horoscope sa facebook.  Pati Horoscope ng may horoscope ay binabasa ng iba at nakakapagcomment pa sila. Kahit anong bagay na lang ang ipost ng mga kaibigan ay may nagcocomment, hindi naman kasi bawal magcomment. Ang nakakalungkot lang ay ang ‘di pagpapakita ng interest sa mga pangmaka-Diyos na post kagaya ng mga kinukuhang verse sa bibliya. Nakakalungkot ring isipin na napakarami nating oras sa mga bagay na wala naman mabuting benepisyong maidudulot sa ating Espiritu, pero sa mga bagay na makakapagpabusog sa ating mga Espiritu ay ‘di pinapansin. Siguro iniisip nila na HINDI COOL na post ang mga Bertikulo ng bibliya, hindi kasing COOL ng post na “I just got my new IPOD” o “Juan Dela Cruz: Is listening to I’m Yours by Jason Mraz.” O kaya naman ay “Juan Dela Cruz: Is pissed”.  Cool di ba? Kasi may Pissed eh. Di bale tuwang-tuwa naman sa kanila si Lucifer, dahil nilalike nila ang mga bible verse kahit hindi nila ito binabasa, para lang maipakita na kunwari interesado sila sa mga pangMAKADIYOS na bagay. Isa hanggang tatlong oras ng paglalaro ng mga pang batang applications, pero kahit isang minuto ay hindi mabigyan ang DIYOS ng isang simpleng pasasalamat. Ang daming mga bagay na dapat ipagpasalamat sa Diyos sa bawat panibagong araw ng iyong buhay.

Pasalamat ka at nagfefacebook ka lang, samantalang ang iba ay halos mabaliw na sa kakaisip kung saan sila kukuha ng makakain sa araw na ito.

Pasalamat ka at ikaw ay may malinaw na paningin, samantalang ang iba ay hindi man lang alam ang itsura ng kanilang Ama at Ina dahil sa sila ay bulag.

Pasalamat ka at ikaw ay nakakalakad, samantalang ang iba ay wala na ngang mga paa, wala pang pambili ng wheelchair.

Pasalamat ka at nakakapagtype ka ng iyong ipopost, samantalang silang mga putol ang kamay ay kahit anong gawin nila ay di nila mayayakap ang kanilang mga magulang.

Pasalamat ka dahil sa milyong-milyong namamatay sa araw-araw ay isa ka sa mga nakakaligtas.

Kung gugustuhin ng Diyos na mamatay ka ngayon, kaya niya. Pasalamat ka dahil binibigyan ka pa niya ng pagkakataon para mabago ang iyong buhay. Huwag ring iisipin na kapag nagbago ka na ay kukunin na niya ang iyong buhay, dahil sa iyong pagbabago sa pangalan ng Panginoon makikita ang DAPAT at TUNAY na buhay, kaya huwag ikatakot ang pagbabago.

Pasalamat ka at nabasa mo ito, samantalang Milyon ang mga batang gustong matutong magbasa, pero wala silang sapat na pera para makapag-aral.

** Ang Chaydscope ay hindi isang klase ng Horoscope.

No comments:

Post a Comment